Thursday, September 9, 2010

Ang Buhay ay Musika


Sumasaliw ang himig ng musika
Liriko ng awitin mula sa gitara
Lumilipad sa hangin ang bawat nota
Sumasayaw, nananabik, kumakanta...

Indayog ng tibok ng pusong umiibig
Naririnig ang tunay nitong pinipintig
Ngumingiti ang mga matang humihikbi
Naghihilom ang bawat pighati

Lumipas man o matuyot ang bawat dahon
Huminto ang galaw ng dagat---pag-alon
Ang hiwaga ng buhay ay magpapatuloy
Humina man ang bawat taghoy.

Gunita ng kahapon kung di man maibalik
Musika'y may ritmo na tila isang halik
Sa pagbubukas ng panibagong pahina
Muling tutogtog ang iyong gitara...

2 comments: